Ang SALEX ay salot, hindi solusyon. Matinding kapahamakan sa ating lahat, hindi kaunlaran, ang idudulot nito.
Mariing kinokondena ng Move As One Coalition at ng 31 grupo na lumagda sa pahayag na ito ang naiulat na patagong pagputol ng mga puno sa Roxas Boulevard na kaugnay sa pagtayo ng Southern Access Link Expressway (SALEX). Ano na ang nangyari sa “temporary suspension” matapos magreklamo ang mga mamamayan ukol sa higit 200 punong pinutol sa Quirino Avenue?
Hindi pa man naitatayo ang dambuhalang SALEX ay kita at ramdam na ng mga mamamayan ang labis na kapahamakang dulot nito sa kalikasan at mga komunidad. Sa gitna ng isa sa mga pinakamainit na tag-araw sa Pilipinas ay nawala ang mga punong naging silong at kanlungan ng mga komunidad.
Kapag itinuloy ang SALEX, mas matinding pinsala ang idudulot nito sa ating lahat. Kaakibat ng SALEX ang mga sumusunod.
- Paglala ng urban heat island effect, air pollution, at noise pollution na magiging sanhi ng pagkakasakit at maaaring pagkamatay ng marami.
- Paglala ng pagbaha sa mga siyudad dahil wala na ang mga punong sisipsip ng tubig baha.
- Pagkasira ng mahigit 50 cultural and natural heritage sites – sa Maynila pa lamang.
- “Urban blight” dahil, ayon nga kay Robert Y. Siy Jr., co-convenor ng Move As One Coalition: “urban expressways … infect surrounding neighborhoods with urban blight. These communities will experience economic decline, fewer job and livelihood opportunities, and diminished land values. Reduced land values will also mean smaller revenue streams for Metro Manila’s local government units.”
Ang masaklap pa dito, dahil sa “induced demand” ay hindi naman talagang luluwag ang daloy ng trapiko dahil sa SALEX. Magkakabuhol-buhol pa rin ito lalo na sa mga “exit point” at sa mga kalsada sa ilalim ng SALEX.
Salungat ang SALEX sa mga pambansang polisiya na napakagandang pakinggan at kailangan nang tuparin ngayon bilang tugon sa krisis sa klima:
Philippine Development Plan (2023-2028)
“Pedestrians and cyclists will be accorded highest priority in the hierarchy of road users. Provisions for active mobility will be integrated into the transportation system. Existing thoroughfares and bridges will be redesigned and retrofitted for the protection and expansion of bikers and pedestrians. Shade trees will be planted in urban areas to lessen the urban heat island effect, improve climate resiliency, and improve biodiversity. Ancillary infrastructure such as segregated active mobility corridors, showers, widened sidewalks, lockers, and storage facilities will be constructed.”
1987 Constitution
“Section 16. The State shall protect and advance the right of the people to a balanced and healthful ecology in accord with the rhythm and harmony of nature.”
Sa madaling salita: Ang SALEX ay salot, hindi solusyon. Matinding kapahamakan sa ating lahat, hindi kaunlaran, ang idudulot nito.
Kaya #StopSalex ang panawagan namin kay DENR Acting Sec. Juan Miguel Cuna, TRB Executive Director Jose Arturo Tugade, at SMC CEO Ramon Ang.
Hindi kami papayag na magdusa ang 94% ng mga Pilipinong walang sariling kotse para lang mapadali ang biyahe ng 6% na may-ari ng sariling sasakyan. Hindi makatarungang masira ang kalikasan, magkasakit o mamatay ang marami, masira ang mga naipundar nilang kabuhayan, at mabura ang mga pamanang yaman nating mga Pilipino para lang makinabang ang 6% at para kumita pa ng limpak-limpak na salapi ang bilyonaryong si Ramon Ang.
Mga lumagdang Organisasyon
- Move As One Coalition
- The Passenger Forum
- United Architects of the Philippines Diliman Chapter (UAPD)
- Renacimiento Manila
- Philippine Misereor Partnership Inc.
- Rights of Nature Philippines
- Archdiocesan Shrine of St. John the Baptist – Integral Ecology Ministry
- Ilog Pasiglahin
- Alyansa Tigil Mina (ATM)
- Make It Safer Movement
- Manileños for Heritage
- AltMobility PH
- Markova Archives
- ENPTINIO
- The Chosen Ones Persons with Disability Association
- Life Haven Center for Independent Living
- Green Party of the Philippines
- Kabataan para sa Kalikasan – Green Youth PH
- Bayanihan para sa Kalikasan Movement, Inc.
- Global Responsibility for Environmental and Ecological Nurturing (GREEN)
- CARe-Centric Ph
- Bicycle Friendly Ph
- Pinay Bike Commuter Community
- Solar Commuter Club
- Commuters 4 Change
- Philippine Association of Landscape Architects
- Save Arroceros Movement
- Constantino Foundation
- Archdiocese of Manila Integral Ecology Ministry
- One Child, One Tree Bulacan
- Curiosity Design Research
- TAO-Pilipinas Inc.
- 350 Pilipinas
- SIBAT INC.