Mapanira ang climate change (El Niño tapos biglang malakas na bagyo)

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn
Ang daming sinisira ng climate change – El Niño o La Niña, sa tuwing uulan at babagyo, ang daming naaapektuhan at sinirang tahanan, kalikasan at infrastructure.
Sinasabing dumating na ang El Niño o tag-tuyo sa ating bansa, at ito ay may dala ng drought, crop failure at food shortages. Mahihirapan ang magsasaka, tataas ang bilihan ng pagkain, at kasunod nito ang pagtaas na din ng lahat ng pamilihin.
Pero tuwing tag-ulan naman, kalaban naman natin ang malakas na bagyo, hangin na sumisira din ng bilyon bilyong ari-arian. Nilulubog nito ang palayan, pananim, madaming namamatay, nagkakasakit.
Isa pang masamang epekto ng climate change ay ang pagkawala ng libu-libong mga species pati na rin ang mga pagbabago sa natural ecosystems. At lahat ng pagbabago ay nakaka-apekto sa araw araw na pamumuhay natin.
At dahil sa lumalaking populasyon ng Pilipinas at sunod sunod na pagsira sa kalikasan, apektado ang milyon milyong Pilipino pag bumabagyo. Ayon sa World Bank, 2018, pahihirapan ng climate change pa ang buhay ng mahihirap lalo na ang mga umaasa sa pangingisda.
Kaya’t wag ninyo sana isantabi ang problema natin sa klima. Makilahok kayo sa usapan, alamin kung paano makakatulong dahil kapag umabot na ang init sa 1.5 degree, hindi nanatin maibabalik ang dating maayos na kondisyon ng planeta.
 
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn