Wag Nyo Sirain Ang Silong River System

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn
Ang Silang River System ay isang “environmentally – critical area” dahil ito ang nagbibigay ng pinakamalaking pinanggagalingan ng tubig na gamit para sa domestic, agricultural, industrial at recreational demand sa Cavite.
Sa kasalukuyan, tuloy pa din ang pagsira ng DPWH sa nalalabing forest area ng Silang para sa sinabi nilang “flood mitigation program” na hindi dumaan sa tamang proseso at konsultasyon. Ang gubat na sinira ay tirahan ng mga nauubos na endangered native trees tulad ng tibig, kawayan, balite, kaong at iba pa. Dito din naninirahan sa gubat ang maraming wildlife species.
Ang pagba- bakbak ng pampang ng mga ilog, pagputol ng mga puno, pagsira ng pananim ay SUMISIRA sa kakayanan na mag-recharge ang ground water. Sinisira nito ang kakayanan ng ilog sipsipin ang tubig at mapigilan ang sobrang pagbabaha tuwing may bagyo.
Ang ilog ay buhay. Wag natin kitilin ang buhay na dala ng ilog.
Sagipin natin ang Ilog ng Silang, Cavite sa lalong madaling panahon.
Makipag ugnayan sa FB: Silang Sagip Kalikasan
 
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn